Isinulong ni Senator Sherwin Gatchalian na magsagawa ng pagdinig ang Senado ukol sa naging pagtugon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagputok ng bulkang Taal.
Agad namang nilinaw ni Gatchalian na hindi layunin ng pagdinig na maghanap ng mali o ng sisitahing ahensya at mga opisyal.
Paliwanag ni Gatchalian, target ng pagdinig na mapatatag at mapabuti pa ang sistema ng pagtugon ng bawat ahensya tuwing may kalamidad.
Ayon kay Gatchalian, sa pagdinig ay maaaring matukoy kung ano pang mga batas ang kulang para higit na maging epektibo ang paghahanda tuwing may kalamidad o biglaang mga trahedya.
Hangad din ni Gatchalian na masilip sa pagdinig ang sitwasyon ngayon sa mga bayan ng Batangas at Cavite at mga residente nitong naapektuhan ng pagputok ng Bulkan.