Pagdinig sa pagbawi sa kaso laban kay dating PNoy, itinakda sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Itinakda na sa susunod na linggo ng Sandiganbayan Fourth Division ang pagdinig hinggil sa hiling na pagbasura sa graft at usurpation charges laban kay dating pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Mamasapano operations.

Nitong June 24, naghain si Ombudsman Samuel Martires ng mosyon na nagpapabawi sa mga kaso laban kay Aquino na inihain ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Maliban kay Aquino, nahaharap din sa kaso sina dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP SAF Director Getulio Napeñas dahil sa pagkakasangkot nila sa oplan exodus na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Forces.


Gaganapin ang pagdinig sa July 12.

Sa ngayon, hindi pa na-arraigned sina Aquino at Napeñas habang si Purisima ay nag-plead na not guilty dahil sa kanyang travel motion.

Facebook Comments