Pagdinig sa panukalang franchise renewal ng ABS-CBN, magiging patas

Manila, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng patas na pagdinig ang panukalang i-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Aabot sa anim na panukala ang inihain sa Kamara para bigyan ang ABS-CBN Corporation ng prangkisa na mag-construct, install, establish, operate at mag-maintain ng broadcasting station sa bansa sa susunod na 25 taon.

Ayon kay Cayetano – sisimulan na nilang dinggin ang mga panukala bago matapos ang taon.


Kinikilala ni Cayetano ang papel ng media sa lipunan, lalo na sa pagsiwalat ng korapsyon at anomalyang ginawa ng mga opisyal ng gobyerno.

Ang kasalukuyang franchise ng ABS-CBN Corporation ay nakatakdang mag-expire sa March 30, 2020.

Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng broadcast network.

Facebook Comments