Pagdinig sa panukalang P5.024 trillion budget para sa 2022, sisimulan na ngayong araw ng Kamara

Magsisimula na ngayong araw ang gagawing pagdinig ng the House of Representatives sa panukalang P5.024 trillion budget para sa 2022.

Ito ay tatlong araw matapos na ipasa ng Department of Budget and Management (DBM) sa kongreso ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay ACT-CIS Partylist at Panel chairman Represenative Eric Go Yap, sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco ay pinaplano nilang bago matapos ang Septyembre ay maaaprubahan na ito ng General Appropriations Bill (GAB).


Bago naman mag-umpisa ang sesyon sa Nobyembre ay sinabi ni Yap na nais nilang maipasa na ang panukala sa Senado upang makapag-umpisa na ito ng sesyon.

Umaasa naman si Yap na sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang panukala para sa taong 2022.

Facebook Comments