Pagdinig sa pisong fare hike petition sa pampasaherong jeepney, umarangkada ngayong araw

Umusad na ang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pisong fare hike petition sa pampasaherong jeepney ngayong araw.

Ayon kay Pasang Masda National President Obet Martin, kumpiyansa siyang mapagbibigyan sila ng LTFRB sa hirit nilang dagdag-pasahe.

Paliwanag ni Martin, masyado na kasing mabigat para sa kanilang mga tsuper ang serye ng oil price hike habang kakarampot lang ang tapyas na umiral noong Martes.


Batay sa datos ng Department of Energy, tumaas na ang presyo ng gasolina ng higit 17 pesos ngayong taon; halos 14 pesos para sa diesel at halos sampung piso para sa kerosene.

Facebook Comments