Pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN, posibleng matapos na sa darating na Lunes

Posibleng sa darating na Lunes, July 6, 2020 ay matatapos na ang pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability sa ABS-CBN franchise.

Ayon kay Legislative Franchises Chairman at Palawan Rep. Franz Alvarez, kung matatapos na ang lahat ng mga kongresista sa pagtatanong ay malaki ang tsansang sa Lunes na ang huling araw ng pagdinig para sa prangkisa ng giant network.

Magkagayunman, hindi pa sigurado si Alvarez kung kailan ang botohan para sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN dahil kailangang tapusin muna ang mga hearing.


Ngayong linggo ay nagsagawa ng marathon hearing ang Mababang Kapulungan para sa mga isyung kinakaharap ng ABS-CBN.

Huling humarap ang kinatawan ng Amcara Broadcasting Network dahil umano sa kwestyunableng blocktime arrangements nito sa ABS-CBN at paggamit ng Kapamilya network sa Channel 43 sa TV Plus na naka-assign o hawak ng Amcara Broadcasting.

Facebook Comments