Isinulong ni Senate President Tito Sotto III ang pagbusisi ng Senado ukol sa usapin ngayon sa vaccination card.
Ayon kay Sotto, inihahanda na niya ang ihahaing resolusyon para makapagsagawa ng pagdinig hinggil dito ang kinauukulang komite sa Senado.
Ang hakbang ni Sotto ay makaraang hindi kilalanin ng Hongkong ang vaccination card na dala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na ini-isyu sa bansa ng Local Government Unit (LGU) kung saan sila nagpabakuna.
Sabi ni Sotto, layunin ng pagdinig na mahanapan ng solusyon ang nabanggit na problema sa vaccination cards.
Inaasahan ni Sotto sa pagdinig ay madedetermina kung kailangan ba talaga ng vaccine cards dahil may mga sektor na tutol dito.
Facebook Comments