Pagdinig tungkol sa nangyaring shootout sa pagitan ng PNP at PDEA, ipinagpaliban ng Senado matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang resource person

Pansamantala munang ipinagpaliban ng Senado ang imbestigasyon nito sa nangyaring shootout sa pagitan ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang resource persons sa gagawing pagdinig.

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kabilang sa mga dito sina PNP Chief General Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva na pawang naka-quarantine.


Sa ngayon, wala pang tiyak na petsa kung kelan sisimulan ang pagdinig.

Facebook Comments