Ala-una mamayang hapon, itinakda ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagdinig ukol “cyber-attacks” sa mga digital domain ng ating gobyerno.
Ayon sa chairman ng komite na si Navotas Representative Toby Tiangco, katuwang sa pagdinig ang House Committee on Public Information na pinamumunuan ni Representative Jose “Joboy” Aquino.
Una rito ay hiniling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magbigay ng briefing ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Imbitado rin sa pagdinig ang iba pang kaulangang ahensya ng pamahalaan at mga resource persons mula sa pribadong sektor.
Binigyang diin ni Representative Tiangco na napakalaking banta sa seguridad ng ating bansa at bawat Pilipino ang mga cyber-attack sa ating mga government digital domains kaya dapat itong agad talakayin upang makapaglatag ng kaukulang mga hakbang o lehislasyon.