Pagdinig ukol sa mga anomalya sa PhilHealth, tinapos na ng Senado

Makalipas ang tatlong pagdinig ay tinapos na ng Senado ang imbestigasyon ukol sa mga anomalya at pag-abuso sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, handa na siyang gumawa ng committee report kung saan ipapaloob ang mga rekomendasyon para matuldukan na ang mga katiwalian sa PhilHealth.

Sang-ayon naman si Senator Panfilo Lacson na tapusin na ng Senado ang imbestigasyon sa PhilHealth controversy.


Para kay Lacson, sapat na ang kanilang nakalap na mga ebidensya at sinumpaang mga testimonya para makasuhan ang mga responsable o sangkot sa sistematikong katiwalian sa PhilHealth.

Facebook Comments