Pagdinig ukol sa mga panukalang wage increase, hiniling ng Makabayan Bloc na tapusin na sa lalong madaling panahon

 

Umapela si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Paty-list Representative France Castro sa House Committee on Labor and Employment na tapusin na sa lalong madaling panahon ang isinasagawang pagdinig ukol sa mga panukalang dagdag-sahod sa bansa.

Sa tingin ni Castro, wala nang dahilan para patagalin ang mga pagdinig na tatlong beses ng isinagawa kaya paulit-ulit na umano ang mga nagiging pahayag ng iniimbitahang resource person.

Kaugnay nito ay nananawagan si Castro kay House Speaker Martin Romualdez na iprayoridad ang mga panukala para sa dagdag-sahod lalo’t suportado naman ito ng nakararaming mga kongresista.


Sinegundahan naman ito nina Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa pagsasabing mainam na mailabas na ang committee report upang maiakyat na sa plenaryo at maaprubahan pagbalik ng sesyon sa Hulyo.

Facebook Comments