Pagdinig ukol sa PDEA-PNP shootout, itutuloy na ng Senado sa Lunes

Tuloy na sa Lunes, March 15, alas-9 ng umaga ang naudlot na pagdinig ng Senado ukol sa engkwentro ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa Quezon City noong February 24.

Sa naturang shootout ay lima ang nasawi na kinabibilangan ng dalawang pulis, isang PDEA agent, ang informant, habang mayroon pang ibang nasugatan.

Ito ang inihayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na siyang mangunguna sa pagdinig.


Imbitado sa pagdinig ang mga opisyal ng PNP pero hindi inaasahang makakapunta si PNP chief P.Gen. Debold M. Sinas dahil sa pagiging positibo nito sa COVID-19.

Kakatawan sa kanya si Lt. Guillermo Eleazar, Officer-in-Charge ng PNP at Deputy Chief for Administration.

Kasama ding pinapaharap sa pagdinig ang mga police na sangkot sa engkwentro, leaders ng QCPD responding team, at ang Scene of the Crime Operation team na nag-imbestiga sa shootout scene.

Imbitado din sa hearing ang mga opisyal ng PDEA sa pangunguna ni Director General Wilkins Villanueva, mga tauhan nitong sangkot sa insidente at team na nagresponde.

Pinadalhan din ng imbitasyon si National Bureau of Investigation Director Eric B. Distor.

Facebook Comments