Pagdinig ukol sa umano’y maling paggamit ng pondo ng mga tanggapan ni VP Sara, tinapos na ng Kamara

Tinapos na ngayon ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig ukol sa umano’y maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Si ABANG LINGKOD Party-list Representative Joseph Stephen Paduano ang nagsulong sa motion para i-terminate ang pagdinig na inaprubahan ni Committee Chairman Manila 3rd District Rep. Joel Chua.

Ang imbestigasyon sa budget ng mga tanggapan ni VP Sara ay base sa privilege speech ni Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano ukol sa budget utilization ng OVP at DepEd at sa manifestation ni Batangas Representative Gerville Luistro sa bigong pag-deliver ng mga computer ng DepEd.

Binanggit naman ni Chua na sa susunod na linggo ay posibleng makapaglabas na sila ng committee report ukol sa serye ng mga pagdinig sa paggamit ng pondo ng mga tanggapan ni VP Duterte.

Facebook Comments