Pagdiriwang Eidl Fitr sa Central Mindanao naging Mapayapa

12

Nakiisa ang pamunuan ng 6th Infatry “Kampilan” Division sa selebrasyon ng Eidl Fitr o ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan.
Kaugnay nito, daang mga sundalong mananampalatayang Islam kasama ng kanilang mga mahal sa buhay ang lumahok sa Congregational Prayer na isinagawa sa loob mismo ng Camp Siongco Headquarters sa Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Isa ring salo salo o kanduli ang isinagawa matapos ang Sambayang o ang Prayer.
Nagpaabot rin ng kanyang pagbati sa lahat ng Muslim Ummah si 6th ID Commander Major General Cirilito Sobejana sa pamamagitan ni Assistant Division Commander for Reservist and Retirees Affairs, Colonel Carlito R Buenos .
Kaugnay nito naging mapayapa ang pagdiriwang ng Eidl Fitr sa buong nasasakupan ng 6th ID , na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Maguindanao, North Cotabato, Lanao Del Sur , Sultan Kudarat at syudad ng Cotabato

Facebook Comments

From Advertisers