Sa darating na ika-21 ng Marso ngayong taon isasagawa ang selebrasyon ng Bagoong Festival sa bayan ng Lingayen.
Dahil dito, Suspendido ang klase buong araw sa darating nasabing araw sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong mga paaralan sa bayan ng Lingayen.
Kanselado rin ang mga government offices sa araw na ito maliban sa mga tututok sa mga kinakailangang serbisyo, sa bisa ng nilagdaang Executive Order No. 14, series of 2025 ni Mayor Leopoldo Bataoil.
Saklaw ng naturang kautusan ang pansamantalang pagpapasara rin sa Avenida Rizal East upang bigyang-daan ang mga nakalinyang aktibidad para sa pagdiriwang ng Bagoong Festival sa naturang bayan. Ilan sa mga malalaking kaganapan ay ang “Kalutan ed Dalan”, “Tugtugan tan Kalutan ed Dalan” at iba pa.
Inatasan naman ang hanay ng kapulisan para magmando sa mga kakalsadahan upang maging maayos ang naturang pagdiriwang sa araw na iyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









