PAGDIRIWANG NG CARIADA FESTIVAL, MATAGUMPAY

CAUAYAN CITY- Matagumpay na idinaos ang taunang kapistahan ng Cariada Festival sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Raymond Calimag, masasabing matagumpay ang programa dahil naging maayos ang mga isinagawang programa at aktibidad.

Aniya, dinagsa rin ng mga bisita mula sa iba’t-ibang barangay sa Cauayan maging sa bayan ng Reina Mercedes at Naguilian.


Dagdag pa niya, taos puso itong nag papasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakipista sa kanilang pag diriwang ng Cariada Festival lalo na sa mga Barangay Officials na tumulong at naglaan ng oras upang maging posible at matagumpay ang selebrasyong ito.

Facebook Comments