Pagdiriwang ng Eidl Adha o Feast of Sacrifice ng ating mga kapatid na Muslim, nagsimula na ngayong araw

Abala mga kapatid natin mga Muslim para sa pagdiriwang ng Eidl-Adha o Feast of Sacrifice simula ngayong araw.

Ito ang paalala ng mga Muslim sa pagsasakripisyo ni Profeta Ma-Abraham sa anak niya sa ngalan ng Islam.

Kaninang ala-singko ng madaling araw, nagsimula ang pang-umagang pagdadarasal.


Sinundan naman ngayon ala-siyete ng umaga ang sermon ng Imab.

Kasama rin sa pagdiriwang, ang paghingi ng kapatawaran sa isa’t-isa at pamimigay ng mga karneng baka sa mga mahihirap.

Samantala, idineklarang holiday naman ng gobyerno bukas, araw ng Lunes kaugnay pa rin sa selebrasyon ng Eidl-Adha ng mga Muslim.

Tatagal naman ang nasabing pagdiriwang hanggang sa Martes, Agosto 13, 2019.

Facebook Comments