Manila, Philippines – Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim ngayong araw.
Ayon kay Manila Police District Spokesman Supt. Erwin Margarejo, “peaceful and successful” ang naging selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Metro Manila kung saan nasa 500 pulis ang kanilang ipinakalat sa Quirino Grandstand sa Maynila para magbigay seguridad.
Nagkaroon din ng special reaction unit sa lugar habang mayroon ding advance command post at karagdagang traffic personnel para magmando ng trapiko.
Una nito, siniguro ng opisyal na wala silang namomonitor na banta sa seguridad.
Wala rin silang nakukuhang impormasyon na nasa Quiapo na ang mga miyembro ng Maute Group na ngayon ay naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Facebook Comments