Manila, Philippines – Kinastigo ni Albay Rep. Edcel Lagman ang selebrasyon sa Lunes ng ika-100 kaarawan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na gugunitain sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay Lagman, paglapastangan ito sa ala-ala ng mga totoong bayani ng bansa na doon din nakalibing.
Hanggang sa ngayon aniya ay hindi pa rin humihilom ang malalim na sugat na iniwan ng diktaturyang Marcos.
Aniya, ang kawalan ng kahihiyan ng mga Marcos at ang kanilang “sense of entitlement” ay wala nang maikukumpara.
Hiniling na lamang ni Lagman na para magkaroon ng katuturan ang kaarawan ni dating Pangulong Marcos ay dapat mag-commit at kumpirmahin na ng pamilya nito ang pagsauli sa nakaw na yaman ng walang hihingiing kapalit o kondisyon.
Facebook Comments