Manila, Philippines – Itinuturing na generally peaceful ng Southern Police District ang selebrasyon na ika-100 taong kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay SPD District Director Pssupt Tomas Apolinario, walang naitalang karahasan nang magharap kanina ang Marcos loyalists at mga anti-Marcos.
Wala ding dinampot ang mga otoridad mula sa magkabilang panig dahil matapos ang kani-kanilang programa ay kusa din silang nag-disperse.
Alas dose kaninang tanghali nang matapos ang kilos protesta ng mga anti-Marcos kung saan sigaw nilang ibalik ng mga Marcoses ang nakaw nilang yaman.
Sa kabilang banda, hindi man pinayagang makadalo sa mismong selebrasyon masaya ang mga Marcos loyalists at Friends of Imelda Romualdez Marcos (FIRM) dahil nakapunta sila sa kaarawan ng dating Pangulo kahit na walang tigil ang pag-ulan.
Samantala, kinumpirma din ng SPD na dumalo sa selebrasyon ng pamilya Marcos si dating Pangulo at ngayo’y Manila mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, Amb. Ahmed Al Kuwin ng Iraq, Carlo Romualdez, Ted Romualdez, dating Prime Minister Cesear Virata.