Pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ginunita sa lungsod ng Maynila

Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing aktibidad ay idinaos sa Kartilya ng Katipunan kung saan ilang araw rin isinailalim sa renovation ang paligid nito.

Nag-alay ng bulaklak si Moreno sa Kartilya ng Katipunan kung saan idinaos din ang isang programa.


Sa maikling talumpati ni Moreno, ipinaalala niya sa publiko ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan kung saan dapat huwag kalimutan ang kasayasayan ng bansa.

Sa may bahagi naman ng Divisoria, inalayan din ng bulaklak ang rebulto ni Bonifacio na itinuturing na Ama ng Himagsikan matapos na manguna sa pag-aaklas laban sa mga dayuhan.

Samantala, iba’t ibang grupo naman ang nagsagawa ng kilos protesta sa may bahagi ng Mendiola kung saan kanilang panawagan na tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nananatili pa rin naman na nakabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kilos protesta para masiguro ang kapayapaan at kaayusan habang ipinapaalala ng mga awtoridad sa mga raliyista na sundin pa rin ang minimum health protocols tulad ng physical distancing.

Facebook Comments