PAGDIRIWANG NG MASETAS FESTIVAL, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN

Cauayan City – Mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng hanay ng Reina Mercedes Police Station kaugnay sa pagdiriwang ng Masetas Festival 2024.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Police Major Charles CariƱo, Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, noong nakaraang linggo ay nagkaroon na sila ng pagpupulong kaugnay sa gagawing pagbabantay.

Sinabi ni PMAJ CariƱo na katuwang nila sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ang iba’t-ibang ahensya at sangay ng PNP ganun rin ang mga force multipliers mula sa iba’t-ibang barangay ng Reina Mercedes.


Isa rin umano sa hiling ng kanilang butihing Mayor na si Hon. Mayor Atty. Malou Respicio-Saguban na hangga’t maaari ay hindi maantala ang daloy ng trapiko sa mga lansangan kaya isa rin ito sa kanilang tututukan.

Panuorin ang kanyang naging pahayag:Ā CLICK HERE!

Facebook Comments