
Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2025 National Teacher’s Day Celebration sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Inaasahang bibigyang-pugay ng Pangulo sa mga guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.
Lalahok sa pagtitipon ang mga guro mula sa Luzon, kabilang ang Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).
Ang pagdiriwang ay nakatuon sa pagpapahayag ng pasasalamat at pagkilala sa dedikasyon at walang sawang serbisyo ng mga guro sa sektor ng edukasyon at sa pag-unlad ng bansa.
Bago naman nito, pangungunahan muna ang Pangulo ang Philippine Development Forum 2025 sa Mandaluyong.
Layon ng forum na palakasin ang kolaborasyon sa paggawa ng mga patakaran at prayoridad sa pambansang budget, batay sa mga resulta ng mahahalagang policy review ngayong taon.









