Sa kabila ng naitalang 7.7 inflation rate sa bansa nitong Oktubre, inaasahan na magiging maligaya pa rin ang Pasko ng mga Pilipino ngayong taon.
Ito ang inihayag ng isang economic analyst na si Professor Astro del Castillo, na kung saan sinabi nito na magiging masaya at masagana pa rin ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino.
Ayon pa kay Castillo, dapat lang matuto ang mga Pinoy na i-prayoridad ang mga pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain sa halip na luho ngayong nakararanas ng economic crisis ang bansa.
Dapat din aniyang paspasan ng pamahalaan ang produksyon ng pagkain dahil ito ang pangunahing naaapektuhan tuwing may tumatamang bagyo sa bansa.
Samantala, batay sa pag-aaral ng IBON Foundation ay P1,119 kada araw ang kailangan kita ng isang pamilya na nakatira sa Metro Manila para mabuhay ng maayos na malayo ito sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) na mahigit P500 kada araw.