Pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino, mas magiging maganda kumpara ng mga nakaraang taon ayon sa OCTA Research

Naniniwala ang OCTA Research na mas magiging maganda pa rin ang Pasko ng mga Pilipino ngayon 2022 kumpara noong mga nagdaang taon.

Sinabi ito ni Prof. Ranjit Rye, sa harap na rin ng ilang pagluluwag na ipinatupad ng gobyerno laban sa COVID-19.

Halimbawa rito ang pagiging boluntaryo ng face mask mandate sa outdoor places, maging ang pagpayag sa standing passengers sa bus habang bumabiyahe.


Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Prof. Rye na nagbago na rin kasi ang metrics na sinusunod ng pamahalaan sa kasalukuyan.

Maliban dito, alam din naman kasi aniya ng lahat ang pangangailangan ng patuloy na pagbangon ng ekonomiya.

Dagdag pa ng eksperto, nananatiling manageable ang variants ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang dahilan kung bakit positibo aniya ang kanilang hanay na magiging maganda ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.

Facebook Comments