Idineklarang “generally peaceful” ng Philippine National Police (PNP) ang pagsalubong sa Pasko.
Base sa assessment ng PNP, hanggang ngayon ay wala silang na-monitor na anumang insidente ng karahasan maliban sa nangyaring shooting incident sa isang lamay sa Caloocan kagabi na ikinasugat ng pitong indibidwal.
Sumuko naman na ang suspek sa pamamaril na isang police officer mula Navotas.
Depensa nito, self-defense lang ang kanyang ginawa matapos silang sugurin ng grupo umano ng mga adik.
Binanggit din ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang isang kaso ng indiscriminate firing sa Pangasinan at engkwentro sa pagitan ng militar at mga pinaghihinalaang rebelde sa Davao del Sur.
Ayon kay Albayalde – mananatiling nakataas ang kanilang alerto sa bansa hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon sa susunod na linggo.
Mahigpit pa rin aniyang babantayan ng pulisya ang mga posibleng paglabag sa firecracker ban.