Maituturing umanong generally peaceful ang naging pagdiriwang ng Pasko dito sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.
Sa panayam kay Chief Operation Officer ng Pang PPO PLtCol. Fidel Junio, bagama’t may mga naitalang road crashing incidents ito dahil umano sa dumami ang bilang ng mga sasakyan sa kakalsadahan at marami sa mga kababayan ang lumabas ng kanilang tahanan at namasyal sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Karamihan umano sa mga aksidente sa kalsada ay minor injuries at hindi nagdulot ng anumang malaking problema o pagkasawi ng ilang indibidwal o motorista.
Idinagdag pa ni Junio na ang mga road crashing incidents dito ay nauuwi naman sa areglo at walang umaabot sa pagsasampa ng kaso at pagkakakulong.
Kaugnay pa nito, tiniyak ng Pangasinan PPO na wala silang naitalang indiscriminate firing maging ng firecracker related incident.
Samantala sa hanay din ng Provincial Offices ng La Union, Ilocos Norte at Ilocos Sur ay naging generally peaceful din umano ang naging assessment dito bagama’t naitala ng mga ito ang road crashing incidents sa lansangan.
Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na kung maaaring ay tumalima at sumunod sa mga itinakdang protocols ngayong papalapit na ang pagsalubong sa bagong taon at iwasan ang paggamit ng mga iligal na paputok. | ifmnews