Kasado na ang bayan ng La Trinidad, Benguet para sa selebrasyon ng 2022 strawberry festival sa darating na buwan ng Marso.
Ayon kay municipal Mayor Romeo Salda, simple lamang ang kanilang gagawing selebrasyon dahil sa banta ng COVID-19 at kahit ibinaba na ang nasabing lalawigan sa Alert level 2.
Anim na aktibidad naman ang inaprubahan ng La Trinidad Municipality Inter-Agency Task Force kabilang dito ang Panudsuran o ritual, strawberry lane, strawberry cake baking competition and search for innovative strawberry products, online acoustic band competition, community cleaning at lead activities.
Facebook Comments