Pagdiskwalipika o pagsasampa ng kaso sa mga kandidatong gagamit ng AI o deep fake technology sa eleksyon, kinatigan ng isang kongresista

Para kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, marapat lang ipagbawal ng Commission on Elections o COMELEC ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya para sa 2025 elections.

Bunsod nito ay kinatigan ni Villafuerte ang mga isinusulong na pagdiskwalipika o paghahain ng kaso sa sinumang kandidato na gagamit ng AI o deepfake technology sa eleksyon.

Mensahe ito ni Villafuerte ng kasunod ng lumabas na television news report sa TikTok na nagpapakita sa isang nangungunang kandidato sa pagkasendor na kalaunan ay natuklasang peke, gawa-gawa lamang dahil ginamitan ng deepfake technology.


Sang-ayon si Villafuerte sa sinabi ni COMELEC Chair George Garcia na ang paggamit ng AI sa eleksyon ay maaring maabuso at magdulot ng “fraudulent misrepresentation” sa mga kandidato.

Diin ni Villafuerte, ang AI lalo na ang deepfake technology ay tiyak makaaapekto sa layunin ng kampanya na makilala nang husto ang mga kandiddato na gabay sa pagpili nila ng iboboto.

Facebook Comments