
Isinulong ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pagdiskwalipika sa mga kamag-anak ng mga public official na mangontrata sa gobyerno.
Nakapaloob ito sa House Bill 3661 na inihain ni Marcos na sumasaklaw sa kamag-anak ng mga pulitiko na hanggang Fourth Degree of Consanguinity.
Kabilang sa tinukoy na public official sa panukala ay ang pinuno ng mga ahensya at procuring entity, gayundin ang governing board members at mga public officer na may policy-determining, supervisory o managerial functions.
Sakop din ng panukala ang career at non-career service, uniformed personnel at militar.
Layunin ng panukala ni Rep. Marcos na na mapalakas ang pananagutan sa pamahalaan at matiyak ang integridad ng pagsi-serbisyo sa publiko.
Facebook Comments









