Pag-distribute ng pagkain sa Antipolo City, umani ng batikos

Kung ikukumpara ang pamamahagi ng pagkain sa Cainta, Rizal na umani ng mga papuri dahil nagbahay bahay ang mga Barangay Captain, taliwas naman ang nangyari sa pamamahagi ng pagkain sa Barangay Dela Paz, Antipolo City kung saan dinumog at nagsiksikan ang mga residente nawala na ang Social Distancing makakuha lamang ng pagkain.

Ayon kay Antipolo Mayor Aneng Ynarez, inaantay umano nito ang order ng mga relief gaya ng bigas na ipamamahagi nito sa kanyang mga nasasakupan.

Paliwanag ng Alkalde, hindi mapigilan at walang disiplina ang mga tao makakuha lamang ng pagkain kung saan paiimbestigahan ng Alkalde ang mag Barangay Captain na inatasan ng DILG na mamahagi ng mga pagkain bilang tugon na rin sa direktiba ni pangulong Duterte.


Nakikiusap si Ynares sa kanyang mga kababayan na maging mahinahon at disiplina nag paiiralin sa ganitong sitwasyon dahil hindi naman umano nila pababayaan ang kanyang mga kababayan.

Facebook Comments