Ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa nagawa niya sa kaniyang administrasyon ang taasan ang sahod ng mga pulis at sundalo.
Sa kaniyang Talk to the People kagabi, ipinaliwanag ng pangulo kung bakit tila nagkaroon siya ng ‘special treatment’ sa mga pulis at sundalo sa ilalim ng administrasyon.
Sabi ng Pangulo, sila kasi ang handang magbuwis buhay para sa seguridad ng mga pilipino at kinikilala niya ang kanilang sakripisyo sa bansa.
Sa kabila nito, aminado naman ang pangulo na mayroon pa ring mga tiwaling pulis lalo na’t hindi ito maiiwasan sa halos lahat ng organisasyon.
Noong 2018, inaprubahan ng pangulo ang Joint Resolution ng kongreso kung saan dumoble ang sweldo ng mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel.
Samantala, kumpiyansa rin si Pangulong Duterte na naibigay niya ang lahat ng pangangailangan ng ating militar at bababa aniya siya sa pwesto na mayroon tayong malakas na sandatahan bilang bahagi ng kaniyang ipinangako.