Pagdukot at pagpatay sa amerikanong vlogger na si Eastman, hindi pa case closed

Hindi pa maituturing na case closed ang pagdukot at pagpatay sa American vlogger na si Elliot Eastman.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, hangga’t hindi pa narerekober ang mga labi nito ay hindi pa maituturing na case closed.

Una nang inamin ng isa sa mga suspek na patay na umano ang dayuhan matapos maubusan ng dugo dahil sa tinamong 2 tama ng bala ng baril sa kanyang binti at tyan at kalauna’y hinulog na lamang nila sa karagatan.


Kasunod nito, nangako ang Pambansang Pulisya na igagawad ang hustisya sa naulilang kaanak ni Eastman.

Nagtutuloy-tuloy rin aniya ang paghahanap ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga labi ng dayuhan na pinaniniwalaang itinapon sa bahagi ng karagatan sa Zamboanga Sibugay.

Facebook Comments