Pagdukot sa 6 na Chinese sa Muntinlupa, iniimbestigahan na ng PNP-AKG

Hawak na ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang kaso ng anim na Chinese nationals na dinukot sa Muntinlupa City kamakailan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nakuhanan na ng salaysay ang driver ng mga biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin ang AKG sa Chinese Embassy para sa imbestigasyon ang background ng mga ito.


Sa ngayon, wala pang hinihinging ransom ang mga dumukot habang wala pa rin proof of life ng mga biktima.

May tinitingnan na ring persons of interest ang pulisya na posibleng makapagbigay-linaw sa pagdukot.

Facebook Comments