Pagdukot sa isang babaeng Chinese sa Makati hindi pa rin malinaw kung kaso ng kidnap for ransom

97

Sabay ng kumikilos ngayon ang mga tauhan ng PNP Anti Kidnapping Group at Makati Police kaugnay sa kaso ng pagdukot sa isang babaeng Chinese National.

 

Ayon kay Police Lt Col Villaflor Banawagan Chief ng Luzon Field Unit ng AKG, lahat ng mga impormasyon sa kaso ay galing sa Makati Police.


 

Aniya hindi pa malinaw sa ngayon kung ang pagdukot ay isang Lehitimong kaso ng Kidnap for Ransom.

 

Aniya alam na ng Makati Police na sa oras na may paghingi na ng ransom ay agad nilang ituturn-over ang kaso sa AKG.

 

dahil sila ang unit na in-charge sa mga kaso ng kidnap For ransom.

 

Batay sa inisyal na impormasyon mismong ang live in partner ng biktima ay person of interest din ng Makati City Police sa nangyaring pagdukot.

Facebook Comments