Pagdulog ng mga Senador sa Supreme Court kaugnay sa VFA termination, kasado na sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo, inaasahang dudulog ang mga senador sa Supreme Court para humingi ng paglilinaw kung dapat ba na paaprubahan muna sa senado ang pagpapabasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement o VFA.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, kasama sa kanilang magiging petisyon sa katas-taasang hukuman ang resolusyon na naghahayag ng paninindigan ng mga senador na dapat pagtibayin muna ng senado ang terminasyon ng VFA.

Diin ni Sotto, ang nabanggit na resolusyon ay pirmado ng 16 na mga senador mula sa mayorya at minorya.


Pero may pitong senador ang nagbigay katiyakan na hindi nila susuportahan ang nasabing hakbang.

Kinabibilangan ito nina Senators Ronald Bato Dela Rosa, Imee Marcos, Francis Tolentino, Pia Cayetano, Cynthia Villar, Bong Revilla at Christopher Bong Go.

Facebook Comments