Pagdulog sa Kongreso, ikinokonsidera ng gobyerno para mapahintulutang makapagtayo ng power plant

Hindi isinaisantabi ng Department of Energy (DOE) na lumapit sa Kongreso para makapagpasa ng batas upang mapahintulutan ang gobyernong makapagpatayo ng power plant.

Ito ang sinabi sa Laging Handa ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan matapos ang naging pahayag ni dating DOE Chief Jericho Petilla na dapat magtayo ng 500-megawatt power plants na gagamitin tuwing may shortage ng kuryente.

Paliwanag ni Marasigan, hindi kasi binibigyang karapatan ang gobyerno sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para magtayo ng panibagong planta.


Batay aniya sa EPIRA Law, dapat ay private sector ang magtayo ng mga planta at hindi ang nasa government sector.

Pero, kung kinakailangang pumunta aniya ng Kongreso para magpasa ng batas kaugnay sa pagtatayo ng planta for strategic reserve ng gobyerno ay maaari nila itong gawin.

Facebook Comments