Hindi din nakalusot sa mga hackers ang social media page ng Philippine Information Agency Pangasinan.
Sa mensahe na ipinadala ng pamunuan ng PIA Pangasinan, may mga nag aangkin sa kanilang page kung kaya’t nag abiso sila na huwag pansinin ang anumang kahina – hinalang post ng kanilang page kung sakali.
Bagamat may access pa ang kanilang mga Social Media Managers, naghahanda umano sila sa posibleng mas malala pang epekto ng pag hack dito.
Kaugnay nito ay pinag iingat din ang lahat lalong – Lalo na ang mga mahilig at madalas gumamit ng Social Media. |ifmnews
Facebook Comments