Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na mas organisado na ang pagpoproseso ng learning materials na gagamitin para sa second quarter ng School Year 2020-2021.
Batay sa ulat ng DepEd, magkakaroon na performance review at ia-adjust din ang review process ng learning materials.
Maliban nito, tutulong na rin ang mga chief educational program supervisor para magkaroon ng standard ang mga learning material at matiyak ang quality assurance nito.
Magtatalaga na rin ng mga help desk at error watch sa bawat regional at division offices ng DepEd upang mas mabilis ang pagtugon at pagtuwid sa mga mali na makikita sa learning materials.
Hinihikayat naman ng DepEd ang mga pampublikong guro sa bansa na gumamit ng textbooks, TV-radio based instruction, at iba pang learning modality upang mas malawak ang pagkukunan ng learning resources ng mga bata.
Ang learning materials ay ginagamit para sa distance learning kung saan kabilang dito ang printed at digital module, TV-radio based instruction, at online modality.