Naniniwala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng may gumalaw na bagong fault line na nagdulot ng Magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay PHIVOLCS Supervising Science Research Specialist Jeffrey Perez, hindi magkakaugnay ang dalawang naramdamang lindol sa Mindanao.
Ang unang malakas na pagyanig ay sumentro sa lupa sa tulunan, North Cotabato at ang sanhi nito ay isang bagong fault.
Ang Magnitude 5.3 na lindol na tumama sa Davao Oriental ay dulot ng paggalaw ng Philippine Trench.
Paglilinaw rin ni Perez, malabong magkaroon ng tsunami kung sa lupa nangyari ang pagyanig.
Babala ng PHIVOLCS, asahan pa rin ang mga aftershocks.
Dapat ding suriin ang istraktura bago pasukin.
Facebook Comments