Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Department of Trade and Industry Pangasinan sa presyo at suplay ng pangunahing bilihin.
Sa isinagawang inspeksyon ng tanggapan, kahapon, April 6, 2026.
Layunin umano nitong tiyakin na nananatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, sapat ang suplay, at sumusunod ang mga negosyante sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP—lalo na sa gitna ng pabago-bagong presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa pinakahuling ulat ng DTI, nananatiling normal ang galaw ng pamimili ng mga konsyumer at wala umanong naitatalang panic buying sa iba’t ibang pamilihan.
Ayon naman sa mga retailer, tuloy-tuloy ang delivery ng produkto mula sa mga supplier. Upang makatipid sa gastos sa transportasyon, dinadagdagan ang dami ng kargamento kada biyahe na nakatutulong para mapanatili ang sapat na imbentaryo na tumatagal ng apat hanggang walong linggo.
Tiniyak ng DTI Pangasinan na ipagpapatuloy nila ang mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang overpricing, hoarding, at profiteering.
Samantala, hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado, umiwas sa panic buying, at maging responsable sa pamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










