Nagbabala ang Department of Energy na magpapatuloy hanggang sa mga susunod na buwan ang paggalaw ng presyo ng oil products.
Ito ayon kay DOE Oil Industry Management Dir. Rino Abad ay bunga ng patuloy na pagtapyas ng OPEC o Organization of Petroleum Exporting Countries sa kanilang produksyon.
Bunga nito, asahan na aniya ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa ngayon aniya, lumalabas na 102 million bariles kada araw ang demand ng langis sa buong mundo at 102 million barrel lamang din kada araw ang produksyon.
Nangangahulugan aniya ito na walang oversupply at wala ring undersupply ng langis.
Facebook Comments