Paggalaw ng presyo ng mga bilihin, lingguhan binabantayan ni PBBM

Mahigpit na tinututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang food inflation kabilang ang presyo ng bigas, mais, asukal, isda, karneng manok at baboy.

Ito ay sa gitna ng resulta ng ilang survey kung saan lumabas na ang inflation ang pangunahing alalahanin ng mga Pilipino.

Sa Malacañang press brieifing, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na lingguhang nakabantay ang pangulo sa paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Ayon naman kay Finance Secretary Ralph Recto, nararamdaman na ang mga ginagawa ng pamahalaan upang mapababa ang inflation.

Ibinida rin nito ang social programs ng gobyerno tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, AKAP, AICS, at iba pa, na pinaglaanan ng mahigit 500 bilyong piso at nasa 12 milyong Pilipino ang inaasahang makikinabang dito.

Facebook Comments