Paggalaw ng presyo ng mga pangunahing produkto sa mga pamilihan, isang hamon ayon sa DTI

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na isang hamon sa kanila ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakadepende ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng mga produkto tulad ng karne ng baboy at manok sa magiging supply at demand nito.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Lopez na nakapaloob pa rin sa suggested retail price ang iba pang pangunahing bilihin sa mga supermarket, palengke at tindahan.


Facebook Comments