PAGGALAW SA PRESYO NG MGA FISH PRODUCTS, AASAHAN SA SUNOD NA LINGGO KASUNOD NG KWARESMA

Posibleng maranasan sa unang mga araw sa sunod na linggo ang paggalaw sa presyo ng ilang isda kasunod ng Mahal na Araw.

Ayon sa ilang tindero ng isda na nakapanayam ng IFM News Dagupan, aasahan daw umano ang pagtaas sa ilang mga fish products kasabay ng pagtaas ng demand nito.

Anila, dedepende ang presyo ng mga produkto sa dami ng suplay bagamat sa ngayon ay wala naman umanong nakikitang problema sa produksyon.

Ilan sa mga higit tinatangkilik na mga isda sa kasalukuyan ay ang bangus, galunggong, at pingka, habang inaaasahan ding lalakas ang bentahan ng mga seafood tulad ng alimango, hipon at iba pa.

Nananatili naman sa presyo ang mga shellfish products tulad ng tahong at talaba na parehong naglalaro sa P80 ang kada kilo.

Samantala, sa darating na Semana Santa, bahagi ng kinagisnang tradisyon ng mga mananampalataya partikular ng Simbahang Katolika ang pansamantalang hindi pagkain ng karne sa panahong ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments