Ipagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit at pag-aangkat ng Vaping Products at E-Cigarettes sa bansa.
Sa kanyang Press Conference sa Malacañang kagabi, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte sa mga awtoridad na arestuhin ang mga gumagamit nito sa publiko.
Batid ng Pangulo ang peligrong dulot ng Vaping at E-Cigarette sa kalusugan ng publiko.
Iginiit ng Pangulo na naglalaman ng kemikal ang mga ito na may masamang epekto sa katawan ng tao.
Bago ito, kinumpirma ng Department of Health ang unang kaso ng lung injury mula sa 16-anyos na babae mula sa Visayas matapos gumamit ng Vape.
Facebook Comments