Inihayag ng Department of Health Center for Health Development 1 na mababa ang proteksyon laban sa virus kung ang gagamitin lamang ay cloth face mask.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD1, malalaki umano ang pores o butas ng cloth mask kung kaya’t malaki ang tiyansang makapasok ang virus, bacteria at iba pang particles.
Aniya, dahil dito ang rekomendasyon ay gawing doble ang pagsusuot ng face mask. Unahin aniya ang graded mask gaya ng N95 at sa ibabaw naman nito ay ang cloth mask.
Ang pagsusuot umano ng graded mask ay mayroong higit 99% na proteksyon upang mawala ang anumang klase ng virus sapagkat maliliit ang butas nito.
Facebook Comments