Paggamit ng AI sa mga korte, pinuri ni CJ Gesmundo

Ibinahagi at ibinida ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang positibong resulta ng pilot implementation ng artificial intelligence-powered voice-to-text transcription tools.

Ang pahayag ay kasabay sa idinaos na First Regional Convention and Seminar ng Court Stenographers Association of the Philippines sa Luzon na idinaos sa Tagaytay City, Cavite.

Sinimulan ito noong July 2023 na tumagal ng hanggang September 2024 sa Sandiganbayan at sa 41 ilan piling first at second level courts.

Gamit ang Scriptix, na pinatatakbo ng artificial intelligence (AI) transcription platform ay ilang mga korte ang nag-ulat na umabot sa 50% ang nabawas sa transcription time, habang ang iba pang mga korte ay umabot pa sa 80%.

Tiniyak naman ni Chief Justice Gesmundo na tama o accurate ang ginagamit na sistema na mula sa dating 70% ay naiakyat na ito ngayon sa 90-95%.

Sa nasabing sistema ay gumagamit na sila ngayon ng “Taglish,” o pinaghalong o Tagalog at English sa mga korte.

Facebook Comments