Paggamit ng air assets, tiniyak ni P-Duterte kapag wala pa ring nabuong kasunduan ang gobyerno at CPP-NPA-NDF, prinsipyo ng magkabilang panig, tiniyak na hindi malalagay sa alangain

 

Manila, Philippines – Tiniyak ng CPP-NPA-NDF na walangprinsipyong malalagay sa alanganin kasabay ng pagsisimula kahapon ng ika-apatna round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno sa the Netherlands.

 

Tumanggi mulang idetalye ni NDF Peace Panel Chairperson FidelAgcaoili ang mga napag-usapan pero sinigurong walang makokompromisongprinsipyo.

 

Nabatid na nagbigay ng kundisyon si Pangulong Rodrigo Duterte nawalang negosasyong mangyayari hangga’t hindi nagkakaroon ng joint ceasefireagreement.


 

Iginiit din ng pangulo na kailangang itigil ng mga komunistanggrupo ang koleksyon ng revolutionary tax mula sa mga negosyante at bitawan angmga inaangkin nitong political authority sa ilang lugar sa bansa.

 

Suportado naman ni Presidential Peace Process Adviser JesusDureza ang hakbang ng pangulo dahil ang unilateral ceasefire ay taliwas sapublic opinion

 

Naniniwala naman ang NDF na pre-condition ang gustong mangyaring gobyerno para matuloy ang peace talks kaya wala silang magagawa.

Facebook Comments