Paggamit ng antigen test para sa mga biyaherong nasa emergency trip, ipinanawagan ng ULAP

Hinimok ng Union of Local Authorities in the Philippines (ULAP) ang gobyerno na payagan na ang paggamit ng antigen test para sa mga biyaherong nasa emergency trip.

Ayon kay Quirino Governor Dakila Cua, Presidente ng ULAP, kadalasang inaabot ng dalawang araw bago makuha ang resulta ng RT-PCR test na siyang nire-require ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa oras ng biglaang pangangailangan.

Dahil dito, mas mabuti na aniyang payagan ang nasabing testing dahil kaunti lamang ang oras para makapaghanda ang isang tao.


Kasabay nito, idinahilan din ni Cua ang pagiging mas mura ng antigen test at ang pagiging madaling paglabas ng resulta nito na siyang ginagamit ng ilang Local Government Units (LGUs) para sa mga bibisita sa kanilang lugar.

Facebook Comments